top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Ceres Negros. muling mananalasa vs. Port FC

  • A. Servinio
  • Jan 21, 2020
  • 1 min read

Bangkok, Thailand– Sisikapin ng bumibisitang Ceres Negros ng Pilipinas na kunin ang susunod na hakbang patungo sa 2020 AFC Champions League sa sagupaan kontra Port FC ng Thailand simula 8:00 p.m. oras dito sa ‘Pinas. Inaasahan na daragsain ang PAT Stadium upang suportahan ang Busmen, ang tatlong taon na kampeon ng Philippines Football League (PFL).

Mamarkahan ng depensa sina Robert Lopez Mendy, Bienvenido Maranon at OJ Porteria, ang tatlong nakapasok ng goal sa 3-2 panalo ng Ceres laban sa Shan United ng Myanmar sa Round One noong Enero 14 sa Rizal Memorial Stadium. Kahit hindi siya nakatala ng goal, malaki ang magiging papel ni kapitan Stephan Schrock sa pangkalahatang laro ng Busmen.

Tiyak na hindi papayag mapahiya ang Port sa sarili nilang tahanan. Nakapasok agad ang koponan sa Round 2 ng 2020 ACL preliminaries sa bisa ng kanilang pagwagi sa Thai FA Cup noong Nobyembre kung saan lumahok ang 100 koponan mula sa lahat ng liga ng bansa.

Maghahalong pait at tamis ang pagharap ng Philippine Azkals at dating kapitan ng Ceres na si Martin Steuble bilang isa sa mga banyaga ng Port. Maliban sa kanya, kumukuha ang Port ng lakas buhat sa kanilang mga kasapi ng pambansang koponan ng Thailand. Ang magwawagi mamayang gabi ay tutuloy sa pangatlong round at lalakbay patungong Japan sa Enero 28 para hamunin ang FC Tokyo, ang pumangatlo sa 2019 J1 League. Ito na rin ang magsasabi kung sino ang makapapasok sa 2020 ACL group stage sa Pebrero kasama ang Ulsan Hyundai ng Timog Korea, Shanghai Shenhua ng Tsina at Perth Glory ng Australia. Laro Ngayong Martes – PAT Stadium, Bangkok: 8:00 Port FC vs. Ceres Negros.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page