Ukay-ukay vendor, tiklo sa P68 milyong shabu
- Gina Pleñago
- Jan 20, 2020
- 1 min read

Kumpiskado ang kilu-kilong hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P68 milyon sa isang ukay-ukay vendor at kasama nito sa Pasay City.
Kinilala ni Pasay City Police Chief P/Col. Bernard Yang, ang mga suspek na sina Mia Bianca Atendido, 22, dalaga, ukay-ukay vendor, at Dave Tajores Realin, 21. Ayon sa ulat ni SPD District Director, Brigadier General Nolasco Bathan, nagkasa ng buy-bust operation ang mga tauhan ng Philippine National Police-Drug Enforcement Group, Pasay City Police at Philippine Drug Enforcement Agency-NCR, laban sa dalawang suspek sa panulukan ng Apelo Cruz St. at EDSA, Bgy. 151 Zone 16, alas-8:30 ng gabi.
Wala nang nagawa ang mga suspek nang hulihin sila ng mga awtoridad matapos ang ilegal na transaksiyon sa gitna ng operasyon.
Nakuha kina Atendido at Realin ang tinatayang sampung kilo ng hinihinalang shabu at P800,000 boodle money.





Comments