Tabuena at Que, humahataw sa SMBC Singapore open

Hindi nagpakaldag sa angas ng kompetisyon ang mga batikang Pinoy parbusters na sina Miguel Tabuena at Angelo Que at patuloy na nakikipagsabayan sa 54th SMBC Singapore Open $
Kasalukuyang nasa pangalawang puwesto si Tabuena dahil sa iskor na 133 (68-65) pagkatapos ng 36 holes na bakbakan.
Kabuuang labing-dalawang birdies (anim sa round 1 at anim sa round 2) ang naging dekorasyon ng kanyang laro sa labanang kinikilala ng Japan at European Golf Tours.
Ang malupit sa kanyang performance ay ang bogey-less na pangalawang round na nagtulak kay Tabuena sa magandang posisyong para patirin ang 30-taong pagkauhaw sa korona ng Pilipinas sa torneo.
Kasosyo niya sa pangalawang baytang ang tinedyer ng South Korea na si Joohyung Kim. Ang Olympic gold medalist at world no. 9 na si Justin Rose ng UK ay nasa pang-apat na baytang.
Apat na beses pa lang naghari ang isang Pinoy sa kompetisyon. Pero ang huli ay nasaksihan pa noong 1990 nang mangibabaw si Antolin Fernando. Si Ben Arda ang unang Asyano na nanalo sa Singapore Open noong 1967. Nakaulit siya noong 1973 bago nagmarka si Eleuterio Nival nang sumunod na taon.
Samantala, nakaporma rin ang Kababayan ni Tabuena na si Que sa sagupaan nang maisuko nito ang iskor na 137 strokes upang makisosyo sa pang-10 puwesto ng palarong tinatrangkuhan ni 2019 Asian Order of Merit winner at Singapore Open defending titlist Jazz Janewattananond ng Thailand.
Galing si Tabuena sa isang 22nd place finish kamakailan sa Hong Kong Open sa Hong Kong Golf Club ng Fanling, Hong Kong kung saan si Que ay pumang-18. Si Tabuena ay nasa pang 19 na puwesto sa 2020 Asian Order of Merit habang si Que ay nasa pang-baytang.





Comments