top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

South Korea, walang tiwala sa gobyerno ni P-Digong, P10 m donasyon sa Taal, sa Red Cross idinaan

Pabs Hernandez III
Jan 20, 2020
2 min read

TULONG NG SOUTH KOREA, SA RED CROSS IBINIGAY, HINDI SA DUTERTE GOV’T.—Kamakailan, nagbigay ang gobyerno ng South Korea ng $200,000 o P10 milyon sa Philippine Red Cross (PRC) bilang donasyon sa mga kababayan nating naapektuhan ng pagsabog ng Bulkang Taal.

Ganu’n, bakit sa PRC nila ibinigay at hindi sa Department of Social Welfare and Development (DSWD)?

Naku, wala sigurong tiwala ang gobyerno ng South Korea sa gobyerno ni Duterte kaya sa PRC nila ipinaabot ang kanilang donasyon, boom!

◘◘◘

WALANG PINATUNGUHAN ANG DONASYON SA MARAWI KAYA SA PRC NA LANG IPINAGKATIWALA ANG KANILANG TULONG —Matatandaang isa ang South Korea sa mga nagbigay ng tulong-pinansiyal para sa pagbangon ng Marawi City, pero tila wala namang nagbago sa lungsod. Ito marahil ang dahilan kung bakit sa Philippine Red Cross nila ipinaabot ang kanilang donasyon para sa mga biktima ng Taal eruption imbes na sa Duterte gov’t., period!

◘◘◘

GEN. DANAO AT COL. QUILATES, “NGANGA” LANG SA MGA NANRARAKET SA MGA EVACUEES —May mga kubrador daw ng STL-bookies nina “Cesar” at “Venir” ang nagpapataya sa mga evacuation centers.

Grabe, ang salbahe naman nina “Cesar” at “Venir”, mantakin n’yo, biktima na ng pagsabog ng Bulkang Taal ang mga nasa evacuation centers, tapos binibiktima pa sila ng mga gambling lords sa raket nilang STL-bookies.

At ito namang sina PNP-Region 4-A Director Brig. Gen. Vicente Danao, Jr. at Batangas PNP Director Col. Edwin Quilates, imbes na “tokhangin” ang mga nanraraket sa mga evacuees, eh, “nganga” lang, pwe!

◘◘◘

P-DUTERTE, MAPATUTUNAYANG WALANG TIWALA SA BAGONG PNP CHIEF ‘PAG HINDI IBINALIK SA PNP ANG PROCUREMENT POWER—Bago itinalaga ni P-Duterte si PNP-OIC Lt. Gen. Archie Francisco Gamboa bilang PNP chief, tinanggalan niya ng procurement power ang PNP dahil sa mga isyu ng overprice o korupsiyon, samantalang, ang pagbili naman ng supply sa kapulisan ay ipinamahala niya kay DILG Sec. Eduardo Año.

Ngayong PNP chief na si Gen. Gamboa, dapat ibalik na ni P-Duterte sa kanya ang procurement power kundi lalabas na wala pa rin itong tiwala sa itinalaga niyang pinuno ng Pambansang Pulisya, period!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page