Nanonood ng fluvial parade.. Beybi, 7 pa nahulog sa hanging bridge

Walo katao ang nahulog sa hanging bridge ng Bgy. Camugao, Kabankalan City, Negros Occidental, kahapon.
Ayon sa City Disaster Risk Reduction Management Office, naputol ang kable ng isang bahagi ng tulay kaya nahulog ang ilan sa mga residenteng nanonood ng parada sa Hilabangan River.
Apat sa mga nahulog ang menor-de-edad habang isa rito ay sanggol pa lamang. Mapalad namang dumaraan sa ilalim ng tulay ang parada nang mangyari ang insidente kaya agad na nakaresponde ang mga rescuers.





Comments