top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Mga pulitiko, kani-kanyang bitbit ng photographers sa evac centers

Ka Ambo
Jan 20, 2020
1 min read

Napakaraming nagdadala ng donasyon sa Batangas.

‘Yan ang diwa ng araw-araw na Pasko!

◘◘◘

KUMONSULTA na sa U.S. ang Phivolcs.

Malaki ang tama ninyo!

◘◘◘

NAGTALAGA na ng PNP chief.

Nasa katinuan pa si P-Digong!

◘◘◘

BUMALIK ang serye ng mga pagyanig sa mga lugar na malapit sa Bulkang Taal.

‘Yan ang delikado!

◘◘◘

DIRE-DIRETSO sa pamimigay ng relief goods ang 'Darna' na si Angel Locsin.

Dumami na ang naki-‘Darna’!

◘◘◘

MARAMING pulitiko ang nagdala ng sangkaterbang photographers sa mga evacuation centers.

Hindi sila nagbabago!

◘◘◘

UMATRAS ang abogado ng anti-Duterte na nagreklamo sa ICC.

P'wes, kumuha kayo ng bagong abogado na hindi naaareglo!

◘◘◘

UMULAN sa Australia kaya naapula ang bushfire.

Nasa langit talaga ang awa!

◘◘◘

TULIRO na ang ABS-CBN.

Maghanap na sila ng padrino at pambayad!

◘◘◘

PIYESTA kahapon ng Sto. Niño.

Talagang enjoy sa ‘Pinas!

◘◘◘

UMAAHON nang kusa ang tone-toneladang isda sa Romblon.

Hindi na pumapalaot ang mga mangingisda — namumulot na lang sila sa dalampasigan!

◘◘◘

TATABO si Sen. Manny Pacquiao ng $250 milyon kapag pinatulan niya ang UFC fighter na si Connor McGregor.

Walang duda, makokopo niya ang Malacañang!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page