Korte suprema, nag-utos: P6.5 cash prize ni Espinosa, ibigay
- MC
- Jan 20, 2020
- 2 min read

Sa wakas, natapos na ang halos 20 taon na paghihihintay at maibibigay na kay dating world boxing champion Luisito Espinosa ang katarungan para tuluyan na niyang makuha ang P6.5 -M cash prize mula sa kanyang laban noong 1997.
Inatasan ng Korte Suprema ang mga naiwan ng yumaong promoter niya noon kontra Carlos Rios ng Argentina sa Koronadal City na ibigay kay si Espinosa ang halagang $130,349 na nakasaad sa kanyang kontrata para sa nasabing title fight.
Sa resolusyon noong Nobyembre 13,2019, mula sa 3rd Division ng Supreme Court noong Sabado ay ibinasura ang petisyon ng pamilya ng boxing promoter na si Rodolfo Nazario para mapawalang-bisa ang desisyon ng Court of Appeals noong 2015 na pumabor kay Espinosa. “This case has been pending for many years and the court would like to put the whole matter to rest. The scheduled fight pushed through and [Espinosa] has not been given his prize money too long to be ignored,” saad ng resolution.
Idinagdag pa ng Mataas na Hukuman ang pagbigay ng six percent interest per annum mula Mayo 1998 sa petsa ng isinampang kaso para kay Espinosa sa Manila Regional Trial Court (RTC). . Tinalo ni Espinosa ang challenger na si Rios upang mapanatili ang World Boxing Council featherweight title.
Sa kontratang nilagdaan noon ni Espinosa, may cash prize siya na $150,000 para sa laban at may $10,000 para sa kanyang training expenses. Naroon din sa kontrata na bibigyan siya ng advance payment na $60,000 bago ang laban at ang kakulangang bayad ay ipagkakaloob sa kanya noong Disyembre 16, 1997.
May $29,651 lamang ang natanggap ni Espinos at nagtagal pa siya sa Koronadal pero bigo siyang nagbalik sa Maynila.
Bilang magandang balita na ito ay ipinaabot niya ito sa TOPS 51st Usapang Sports sa National Press Club at inaasahan niyang matatanggap na niya ang perang para sa kanya. Nagretiro sa pagboboksing noong 2005 si Espinosa at ngayon ay isang boxing instructor sa Dalian, China. Bakasyon siya ngayon sa bansa at babalik sa China sa Pebrero.





Comments