top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Dahilan ng sakit ng Taal survivors — DSWD.. Lumang damit ‘wag nang i-donate

Madel Moratillo / Mylene Alfonso
Jan 20, 2020
1 min read

Hindi inirerekomenda ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pagdo-donate ng mga ‘used clothing’ o mga lumang damit sa mga biktima o survivors ng kalamidad.

Ito ay para na rin umano makaiwas sa pagkalat ng sakit na maaaring malipat sa pamamagitan ng mga lumang damit.

Samantala, ang Citizens’ Disaster Response Center naman ay nagpaalala sa publiko na piliin ang mga ido-donate na damit.

Tiyakin umano na ang ido-donate na damit ay maaaring magamit ng mga evacuees.

Una nang nag-viral sa social media ang larawan ng mga bakwit suot ang mga donasyong damit tulad ng mga uniporme sa fastfood, wedding gown at iba pa.

Samantala, kinuwestyon naman ng Palasyo ang pagbibigay ng donasyon sa mga evacuees ng mga Amerikana at pangkasal na gown.

Ani Presidential Spokesman Salvador Panelo, hindi niya maintindihan kung bakit may mga nagbibigay ng donasyon na pang-rampa gayung nakararanas ng kalamidad ang mga taga-Batangas.

Gayunman, ayon kay Panelo, ang mahalaga ay marami ang nagbibigay ng ayuda lalo na sa pagkain, damit at iba pa.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page