top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

BFF mo, Julia, niluhuran pa ng ex-BF mo…Nabulgar: Janella, natikman na ni Joshua

  • Beth Gelena
  • Jan 20, 2020
  • 2 min read

Beth Gelena / Bulgary Files

Sa party ng The Killer Bride, nag­pakilig ang bagong love team na Joshua Garcia at Janella Salvador sa kanilang sweet performance.

Naging tampulan ng tukso ang Josh­Nella lalo pa nang lumuhod si Joshua ba­go iniabot ang flower kay Janella habang kumakanta ang huli.

Ngiting-ngiti naman ang young actress at hindi na nila naitago ang sweetness sa kanilang performance.

May nagsabing sa susunod daw ay na­ka-blocked na ang dalawa sa social media account ni Julia Barretto.

Nauna na kasing in-unfollow ni Julia ang JoshNella dahil sa inilabas na lara­wan ni Joshua kamakailan lang.

Marami ang nagsasabing bagay ang JoshNella. Katunayan, sa ending ng TKB ay may kissing scene ang da­la­wa na nagpakilig sa kanilang mga fans.

Parehong first screen kissing scene daw ‘yun ng JoshNella na never nilang ginawa sa ibang teleserye.

Kahit daw sa teleserye ng mag-sweetheart noon na JoshLia ay wala pa raw silang nagawang kissing scene.

Sey ng isang netizen, “They just had their first onscreen kiss sa finale. In fairness naman, bagay sila. Ang fresh nilang pareho tingnan du’n sa kiss.”

May nagsasabi pa na kung iri-remake ang Tabing Ilog, sana ay makasama raw sina Joshua at Janella.

Dahil sa naglabasang sweet photo ng JoshNella na kuha sa party ng TKB, tiyak na hindi lang si Julia ang maaapek­tuhan kundi pati ang rumored boyfriend ni Janella na si Markus Paterson.

Kaya raw pala nag-delete si Julia ng photos nila ni Joshua pagkatapos i-un­follow ang young actor, halatang affected ang young actress dahil minahal naman daw nito si Joshua. Pero, bakit kaya na­sasabihan na manggagamit si Joshua sa­mantalang tapos na ang TKB?

Sabi ng netizen, “I like Joshua as an actor, pero sana, enough na with promo-promo sa ka-partner. Bagay sila ni Ja­nella and may kilig naman so just trust your viewers na lang and let the natural onscreen chemistry work.”

Hindi na siguro kailangan ni Joshua ang pagpo-promote dahil tapos na ang TKB. Besides, kung gusto niyang pag-usapan sila ni Janella, dapat noon pa niya ginawa nu’ng kasagsagan pa lang ng ka­nilang teleserye.

Sabi rin ng netizen, kaya sweet si Joshua kay Janella, ginrab lang nito ang chance dahil sa posibilidad na matagal na uling magkita ang dalawa.

Sa dati kasing mga interbyu nu’ng wala pa silang relasyon ni Julia ay laging sina­sabi ni Joshua na si Janella ang crush niya.

Oo nga naman.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page