top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

$250-m kikitain ng Pacman-McGregor kung matutuloy

  • Gerard Arce
  • Jan 20, 2020
  • 2 min read

Sakaling magkasundo ang parehong kampo nina Eight-Division World Champion Manny “Pacman” Pacquiao at two-time UFC title holder Conor “The Notorious” McGregor na maglaban sa ibabaw ng ring ay maaaring kumita ang mga ito ng $200-$250 million. Ito ang nakikinita ng boxing expert na si Gareth Davies panayam sa kanya ng Business Insider sa Estados Unidos. Si Davies ay isa ring boxing analyst at columnist sa The Telegraph, ay naniniwalang mas malaki ang tsansang magtapat sina Pacquiao at McGregor nitong 2020. “Pacquiao makes sense, absolutely,” wika ni Davies sa naturang interview. “It’s enormous,” paglalarawan nito.

Nasilayan ni Davies ang salpukang Pacquiao at Floyd “Money” Mayweather noong 2015, kung saan napagtagumpayan ng undefeated-retired American boxer ang naturang laban sa pagkuha nito ng unanimous victory. Nakikita ni Davies na maaaring matapatan ng tapatang Pac-Mc ang mga malaking laban nito sa UFC. “It’s a fight that can be made,” ika ni Davies. “I think we’ll see that fight. Pacquiao is at the end, and a bout with McGregor is viable this year,” dagdag ng boxing expert.

Gayunpaman, idinagdag ni Davies na napakadelikado ng laban para kay McGregor dahil nakikita nitong mapapabagsak ng World Boxing Association (WBA) welterweight champion ang Irish bad-boy sakaling maglaban sila “It’s a dangerous fight,” sambit nito. “Pacquiao knocks him out. And I mean knocks him out. It’s a very dangerous fight for McGregor.”

Nito lamang sabado ng gabi, Linggo ng umaga sa Pilipinas, ay iniukit ni McGregor ang kanyang malupit na panalo sa kanyang pagbabalik sa octagon ng patumbahin niya si Donald “Cowboy” Cerrone sa 40 segundo ng unang round pa lamang.

Naglabas naman ng isang video ang fighting Senator kasama si MP Promotions president at international matchmaker Sean Gibbons na hiniling kay McGregor na maging mabuti sa kanyang laban kontra kay Cerrone..

Nauna nang naglabas ng kanyang pahayag si McGregor ukol sa nagaganap na negosasyon sa parehong kampo sa panayam rito ni Ariel Helwani. “There’s just negotiations going on,” esplika nito sa naturang report. “I would be open to other boxing bouts. You know, Manny (Pacquiao). We’re actually close to signing Manny. There’s been talks about the Manny fight as well. There’s been an offer made on (a bout against Pacquiao),” dagdag nito.

Nais rin umano ni McGregor na makalaban ang pambansang kamao sa ginagawang Allegiant Stadium para sa Las Vegas Raiders ng NFL na may seating capacity na mahigit 60,000.

Matatandaang tinalo ni Mayweather si McGregor sa isang boxing match sa pamamagitan ng 10th round TKO upang iaangat ang record nito sa 50-0 at sirain ang tala ni Rocky Marciano na 49-0. Tumataginting rin ang kinita ni Mayweather sa $275 million, habang nagbulsa naman si McGregor ng $85 Million.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page