‘Window hours’ para sa mga bakwit, stop!
- V. Reyes
- Jan 20, 2020
- 1 min read

Matindi ang peligro ng bulkan na nakataas sa Alert Level 4 kaya hindi na umano dapat pinapayagan pa ang mga residenteng inilikas na bumalik sa kani-kanilang bahay kahit pa sandali lang.
Ayon kay Albay Rep. Joey Salceda, ang Alert Level 4 ang pinakahuling babala na itinataas ng Phivolcs na ang ibig sabihin ay delikadong may maiwang buhay sa danger zone.
Wala aniyang makaliligtas kahit pa ang mga magre-rescue kung dumating ang pagkakataon na sumabog muli ang bulkan sa kasagsagan ng paglilikas ng mga hayop o pagbitbit ng mga ari-arian ng mga residenteng bumalik sa kanilang bahay.
Nangyari na aniya noong sumabog ang Bulkang Mayon na may 24 residente ang nalapnos ang buong katawan at namatay nang sumabog ito at naabot ang nasasakop ng 6-kilometro na permanent danger zone.
Ipinanukala pa ni Salceda sa gobyerno na bilhin na lang ang mga hayop na pilit na binabalikan ng mga residente dahil ito ang kanilang kabuhayan.





Comments