top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Taal survivors, tulungan, ‘wag pahirapan ng mga nagpapautang

  • Nancy Binay
  • Jan 19, 2020
  • 2 min read

Nancy Binay / Be Nice Tayo

Ngayong panahon ng kalamidad at pangangailangan, dapat tayong magkaroon ng malasakit at pang-unawa sa mga biktima ng pagsabog ng Bulkang Taal.

Tinatawag ng sitwasyon na magkaroon ng pakialam at kababaang-loob ang bawat isa. Malaking tulong ang pagbibigay ng loan moratorium at debt restructuring upang makabangon ang ating mga kababayan. Isang malaking bahagi ng muling pagbangon ang malasakit upang siguradong makagagawa tayo ng makabuluhang pagbabago.

Kaya naman, nananawagan tayo sa mga government financial institutions na magbigay ng anim na buwan hanggang isang taong moratorium sa mga loan payments ng mga taong naapektuhan ng pagsabog ng Bulkang Taal.

Ganundin ang ating panawagan sa mga bangko, lending agencies at financial institutions na i-defer muna ang loan payments sa mga lugar na isinailalim sa state of calamity.

Nakikiusap din tayo sa mga local government units na huwag munang maningil ng penalties sa mga hindi makapagbayad ng real property tax o makapag-renew ng business permit dahil sa kalamidad na ito.

Ang mga hakbang na ito ay isang paraan ng mga ahensiya na ipakita ang kanilang concern sa mga miyembro at nasasakupan nila at makatulong sa oras ng pangangailangan.

****

Nakiisa rin tayo sa selebrasyon ng Sinulog sa mga kababayan natin sa Cebu ngayong araw. Nawa’y maisalin natin ang ating debosyon kay Sto. Niño Jesus sa pagtulong sa ating mga kababayan na naapektuhan ng mga natural na kalamidad.

Ngayon ay naghahanda ang ating tanggapan upang muling tumulong sa mga nasalanta sa Batangas at Cavite.

Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.

Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US! Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page