Simbahan, walang pantapat sa katarayan ni P-Duterte
- Pabs Hernandez III
- Jan 19, 2020
- 2 min read
KUNG HINDI PA RETIRADO SI BISHOP CRUZ, MALAMANG AY KATARAYAN ITO NI P-DUTERTE — Matapos ibida ni P-Duterte na siya lang ang pulitiko na umaatake at nagmumura sa mga taong-Simbahan, bumanat na naman ito na, “I hope that some little meteorites will hit all the bishops in the head. Something is wrong with them. Because they started to fight and they told me that I am a heretic…why should I?”
Sa patuloy na pambabanat ni P-Duterte sa mga taong-Simbahan, kung nagkataong hindi pa retirado si Bishop Oscar Cruz, ang gandang “labanan” sana ‘yan dahil tulad ng pangulo ay taklesa rin ito, boom!
****
MOCHA USON, OUT SA BAYANIHAN NG MGA PINOY — Nakakatuwa dahil sa kabila ng hindi inaasahang trahedya, lumabas ang katangian ng mga Pinoy na pagbabayanihan.
Kani-kanyang paraan para makapag-abot ng ayuda ang sambayanang Pinoy sa libu-libong biktima ng Taal eruption. Pero sa bayanihang ito ng mga Pinoy, tila ‘no show’ si Mocha Uson kasi imbes na tumulong, pagpapakalat ng fake news sa social media ang inuuna at inaatupag nito, tsk-tsk-tsk!
****
P4 BILYONG CALAMITY FUND, SA “PORK BARREL” NG MGA CONG. NA NAMAN NAPUNTA? — Ayon kay Sen. Ping Lacson, hahanapin daw niya sa 2020 National Budget kung saan napunta ang P4 bilyong kinaltas ng mga kongresista sa calamity fund.
Naku, malamang, sa “pork barrel” na naman ng mga cong. napunta ‘yan kasi ganyan din ang nangyari noong 2017 National Budget. Ang dating P38.9 billion budget sa kalamidad noong bago bumaba sa poder si ex-P-Noy ay tinapyasan ng mga mambabatas ng P22 bilyon at ang halagang kinaltas sa calamity fund ay pinagparte-partehan at ginawang “pork barrel” ng mga kongresista, buwisit!
****
NGAYONG PNP CHIEF NA SI GEN. GAMBOA, TOTOHANAN NA KAYA ANG ‘NO TAKE POLICY’? — Nang maging officer-in-charge (OIC) ng PNP si Lt. Gen. Archie Francisco Gamboa ay isa sa mga direktiba nito sa kapulisan ay ang “no take policy” sa mga ilegalista, pero marami ang hindi sumunod kasi nagte-take pa rin ng payola ang mga scalawag na parak.
1Ngayong pormal nang itinalaga ni P-Duterte si Gen. Gamboa bilang bagong PNP chief, magkaroon na kaya ng katotohanan ang ‘no take policy’ sa mga ilegalista? Abangan!





Comments