top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Masyadong hyper, madaldal, super-yabang etc.. Mga sintomas ng bipolar disorder

Shane Ludovice
Jan 19, 2020
2 min read

Dear Doc. Shane, Maaari ba ninyong talakayin ang tungkol sa bipolar disorder? Namamana ba ito at ano ang mga sintomas nito? Salamat. - Chito

Sagot Ang bipolar disorder ay karamdamang pangkaisipan (mental disorder) kung saan ang tao ay nakararanas ng elevated mood o hyper ang mood — sobrang taas ng energy na parang hindi napapagod.

Kaakibat nito ang iba pang karaniwang sintomas na: • Saksakan ng yabang o pakiramdam nila ay kaya nilang gawin ang lahat at palagi silang tama.

• Hindi nila kailangang matulog o kilos nang kilos. Halimbawa, imbes na matulog sa gabi ay naglalaba, nagliligpit ng mga gamit, nagpa-party at iba pa.

• Napakadaldal at hindi mo masingitan sa pagsasalita.

• Madaling ma-distract o kapag may nakita silang bago o may ideyang bago ay magbabago sila ng topic tungkol sa bagay na ‘yun.

• Hindi mapakali o galaw nang galaw.

• Nagiging mapusok (risky behavior). Halimbawa, nag-uubos ng pera sa casino o shopping, nakikipagkita sa mga ka-chat para makipag-one-night stand.

Ang mga sintomas na ito ay nararanasan halos araw-araw sa loob ng isang linggo. Ang mga taong may bipolar ay puwede ring makaranas ng kabaligtaran ng elevated mood — depression. Puwede ring magpapalit-palit o mag-"alternate” ang elevated mood at depression. Nagagamot ba ang bipolar disorder?

Sa pamamagitan ng mga gamot (mood stabilizer), maaari silang maibalik sa mga dati nilang gawain. Ang mga taong bipolar ay fully functional o parang walang kahit anong mental health issues kung sila ay nasa remission — “okay sila”. Importante sa mga may bipolar na mapanatiling kalmado ang kanilang sarili o hindi sumpungin. Madalas, kailangang uminom ang pasyente ng mood stabilizers nang tuluy-tuloy upang hindi sumpungin.

Hindi nakahahawa ang bipolar disorder pero mataas ang potensiyal ng mga taong may kamag-anak sa first degree (magulang, kapatid at anak) na magkaroon ng bipolar disorder. Hindi awtomatikong magkakaroon nito ang mga may kamag-anak na bipolar pero mataas ang chance na magkaroon nito lalo na kung may traumatic experience na nangyari sa kanila.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page