Mag-ate na tulak, arestado

Tiklo ang magkapatid na babae at isang scorer ng mga ito habang nagsasagawa ng bentahan ng shabu, kamakalawa ng gabi sa Bgy. Tejeros Convention Rosario, Cavite.
Kinilala ni Police Major Joewie Lucas, ang mga naarestong suspek na sina Clarise Ambrad, 24; utol na si Charlene Ambrad, 23, at scorer na si Jayaon Julliantes, 34.
Nagkasa ng buy-bust operation laban sa magkapatid na suspek alas-9:45 ng gabi kung saan natiyempuhan ng mga ito ang mga suspek na nakikipag-deal sa buyer na suspek kaya rito na dinakma ang mga ito.
Unang narekober ang 0.05 grams ng shabu na binili ng scorer sa magkapatid at nang kapkapan pa ang dalawa ay nakuha pa sa mga ito ang 20.10 grams ng shabu na aabot sa P120,000.





Comments