Fire Bull, makasilat

Hahataw ngayong araw ang Philippine Racing Commission (Philracom) Rating Based Handicapping System Race sa Santa Ana Park, Naic, Cavite.
Kasabay nito aalagwa ang tatlong Winner Take All (WTA) at Pick 5 at dalawa Pick 6 at isang Pick 4 na magsisimula ng alas-2:30 ng hapon.
Ayon sa Philracom sampung pakarera ang kanilang inihanda at isang 3 Year Old Group Race (7) at Condition Race(18). Sa Race 1 magsisimula ang 1st WTA at pinapaboran ang All Heart habang ang Peter Pride ang tatalo at isama ang Speak Easy.
Sa Race 2, magsisimula ang 1st Pick 5 at nakalalamang ang Run Em Down makakalaban ang Alezzardro, Double Sunrise at Great Style. Sa Race 3, magkakalaban ang couple entry na Grandox at Faithfully at couple entry na Nostradamus at Concert King at Persian Princess umpisa ng 1st Pick 6.
Mag-uumpisa ang 2nd WTA sa Race 4 at maglalaban ang couple entry na Villa ni Bibot at Let’s Dance Zumba, My Big Osh, at Board Walk. Sa Race 5, simula ng 2nd Pick pinapaboran ang Runawayfromrosenot at makakalaban ang Agi Daw at Wannabe, isama ang Melody Amor at Ava’s Dream sa Trifecta at Quartet.
Sa Race 6,magaganap ang 3rd WTA at nakalalamang ang couple entry na Ifyourhonorplease at Celebrity habang makakalaban ang Et Al at Smart Tyler.
Sa Race 7, umpisa ng 2nd Pick 6 ipinapatok ang couple entry na Maincore Sunpots at Cannon Ball at makakalaban ang Fire bull.
Magaganap ang 3rd Pick 5 sa Race 8 at pinapatok ang Stardust habang makakalaban ang Parokya ni Paolo. Sa Race 9 magsisimula naman ang Pick 4 at pinapatok ang couple entry na Dikoridik Koridak at Sky Plus habang makakalaban ang Bottoms Up at may tsamba ang Stark.
Sa Race 10 ipinapatok ang Go Tango at makakalaban ang Legionaire, Amigao at Sir Jeboy.
Sa Race 11 magkakalaban ang mga katunggaling Marinx, Iriki Runner at Kid Baloloy habang nakalalamang ang Be The One habang makakalaban ang Coastal Road at Sorority Girl at Guenevere sa Race 12.





Comments