4 yrs. GF, nakikipagbalikan after makipag-sex sa iba, mahal pa pero hindi kayang mapatawad
- Roma Amor
- Jan 19, 2020
- 1 min read

Dear Roma, Ako si Bryan, kahihiwalay lang namin ng ex-GF ko at apat na taon ang relasyon namin kaya nanghihinayang talaga ako. Ganito ang nangyari, nagbakasyon ako sa probinsiya namin at mula nu’n, palagi kaming nag-aaway dahil sa mga hinala niya na may babae ako ru’n, pero pagbalik ko rito, nalaman ko na may naka-sex siya habang wala ako.
Hindi ko na pinatagal pa at nakipaghiwalay ako kahit sobrang sakit para sa akin dahil sa ilang taong pagsasama namin. Ngayon, humihingi siya ng tawad at gusto niyang makipagbalikan. Mahal ko pa siya, pero hindi ko kayang kalimutan ‘yung ginawa niya sa akin. Ano ang maipapayo ninyo? — Bryan
Bryan, Hindi madaling tapusin ang relasyon na matagal nang nasimulan, pero kung mali na, puwede na itong tigilan.
Hindi ka namin masisisi kung nanghihinayang ka sa apat na taon ninyong pagsasama, pero dapat mong isipin na kung nagawa niya ito sa iyo noon, puwedeng mangyari ulit ito.
Kung ayaw mo nang makipagbalikan, ‘wag mong pilitin ang sarili mo, pero ‘wag mong kalimutan na walang masama sa pagpapatawad sa taong nagkasala sa iyo. Kaya mo ‘yan, God bless!




Comments