3 sasakyan sinalpok ng dump truck, 3 nadale

Tatlo ang sugatan nang banggain ng dump truck ang tatlong sasakyan sa Koronadal City, kamakalawa ng hapon.
Batay sa ulat, papuntang Bgy. Poblacion sa Koronadal ang dump truck bandang alas-2:00 ng hapon nang mawalan ng preno.
Dumiretso sa kabilang lane ang dump truck kaya nabangga nito ang pickup truck, elf truck na may kargang mga galon ng tubig, at tricycle.
Samantala, kabilang sa mga sugatan at kasalukuyang nagpapagaling sa ospital ang driver at pasahero ng tricycle at driver ng elf truck.
Nagkaareglo na ang mga nagkabanggaan matapos tiyakin ng driver ng dump truck na babayaran nito ang gastusin ng mga nasugatan at pagpapaayos sa mga nasirang sasakyan.





Comments