Tricycle driver, tiklo sa shabu
- Pabs Hernandez III
- Jan 18, 2020
- 1 min read
SABELA — Naaresto sa isinagawang drug-bust operation ng pulisya ang isang tricycle driver kamakalawa sa Bgy. Mabini, Santiago City.
Nakilala ang suspek na si Camilo Manuel, nakatira sa Bgy. Calao East.
Nabatid na nakakumpiska ang pulisya ng isang pakete ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.
Ayon sa ulat, matagal nang minamanmanan ng pulisya si Manuel at kamakalawa lang natiyempuhang dakpin sa drug-bust operations.
Samantala, nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.





Comments