top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Mga classrooms kahit okupado ng mga evacuees.. Exam, tuloy

Madel Moratillo
Jan 18, 2020
1 min read

Tuloy ang klase sa Lunes kahit pa marami sa mga silid-aralan ang okupado ng mga evacuees ng Taal.

Sa panayam kay teacher Francisco Perez ng Batangas City East Elementary, tuloy umano ang klase sa kabila ng kalamidad.

“Tuloy po ang kanilang pag-aaral, tuloy ang exam, mga quizzes ire-record,” anito. Puwede rin umano silang mag-organisa ng make-up classes para matapos ang school year.

Samantala, naghahanap na ang gobyerno ng lugar kung saan maaaring itayo ang temporary shelter kung saan puwedeng ilipat ang mga residente na apektado ng pagputok ng Bulkang Taal.

Ayon kay Education Sec. Leonor Briones ito ang naisip nilang solusyon upang maiayos ang mga eskuwelahan na pansamantalang naging evacuation centers at magamit muli ng mga estudyante sa oras na maging normal na ang sitwasyon.

Ayon sa kalihim, aabot sa mahigit 168 eskuwelahan sa Calabarzon ang nagsisilbing evacuation centers.

Hindi rin pabor si Briones sa mga mungkahi na sa araw ay gamitin ng mga estudyante ang mga eskuwelahan habang sa gabi naman ay tuluyan ito ng mga evacuees.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page