top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Buong bansa, tulung-tulong sa mga Taal victims; Mocha, busy sa fake news at banat kay VP Leni

  • Pabs Hernandez III
  • Jan 18, 2020
  • 1 min read

NAGKAKAISA ANG LAHAT SA PAGTULONG PERO SI MOCHA, FAKE NEWS ANG INAATUPAG—Nagkakaisa ang taumbayan sa pagmamalasakit sa milyun-milyon nating kababayan na naapektuhan ng pagsabog ng Bulkang Taal.

Bukod sa ayuda ng gobyerno, iba’t ibang sektor ng lipunan ang nagpapadala ng relief goods at tumutulong sa rescue operations.

Sa kabila ng mga nagkakaisang mamamayan, walang ibang ginawa si Mocha

Uson kundi ang magpakalat ng fake news at kuwestiyunin ang tulong ni VP Leni Robredo na kesyo limang pandesal at bottled water lang daw ang ipinamimigay nito, tsk-tsk-tsk!

****

SA INIS NG NETIZENS SA FAKE NEWS NITO, HUMIRIT SILA NA IALAY NA LANG SA BULKANG TAAL SI MOCHA—Dahil sa pagpapakalat ng fake news sa panahon ng kalamidad, hindi natuwa ang publiko kay Mocha at dahil d’yan ay marami ang nagbiro na dapat may ialay sa nag-aalburotong Bulkang Taal kung saan ang hirit ng mga ito, ang “Fake News Queen” na lang ang ialay.

Ganu’n? Huwag naman, kung si Mocha ang iaalay, baka lalong mag-alburoto ang Taal at isuka lang ito, he-he-he!

****

P-DUTERTE, MAS MAY TIWALA KAY SEC. AÑO KAYSA KAY PNP-OIC GEN. GAMBOA—Inalisan ni P-Duterte ng procurement power ang PNP dahil sa isyu ng overpricing at pagbili sa supply ng kapulisan kaya ibinigay na lang ng pangulo ang responsibilidad kay DILG Sec. Eduardo Año.

Sa ginawang ‘yan ng pangulo, parang sinabi na rin niya na kung pagbili ng supply ng PNP ang pag-uusapan, mas may tiwala siya kay Sec. Año kaysa kay PNP-OIC Lt. Gen. Archie Francisco Gamboa, period!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page