top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Batang stepmom, hindi tanggap ng mga anak

Roma Amor
Jan 18, 2020
1 min read

Dear Roma, Ako si Jean, 24-anyos, may minamahal akong lalaki at 15 taon ang agwat namin at mas matanda siya sa akin.

May tatlong anak na siya at limang taon nang hiwalay sa kanyang asawa dahil niloko siya. Masaya kami at tanggap kami ng aming mga magulang at 2 taon na ang aming relasyon, ngunit, hanggang ngayon ay hindi pa rin ako tanggap ng mga anak niya bilang pangalawang ina. Ginagawa ko ang lahat ngunit, parang wala pa rin. Ano ang dapat kong gawin? – Jean

Jean, Ipagpatuloy mo lang ang mabuting ginagawa mo para sa mga anak niya at ituring mo na rin silang mga anak mo dahil darating din ang panahon na matatanggap ka nila bilang ina, gayundin, mari-realize nila na ginampanan mo ang dapat ginagampanan ng kanilang ina.

‘Wag mong iparamdam sa kanila kung anuman ang kulang sa kanila dahil ikaw na ang magpupuno nu’n. God bless!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page