16-anyos na tulak, huli
- Gina Pleñago
- Jan 18, 2020
- 1 min read

Isang 16-anyos na lalaki ang hinuli dahil sa pagbebenta umano ng shabu sa Pasay City, kahapon ng madaling-araw.
Nasa pangangalaga ng Pasay Social Welfare Development ang suspek na si alyas Jomar, 16, out-of-school youth, ng Bgy. Upper Bicutan, Tgauig City.
Ayon sa ulat ni Cpl. Zeus Rex C. Magdasoc, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Pasay City Police laban sa binatilyo sa isang barung-barong sa Balagbag St., Bgy. 201, Zone 20, alas-12:45 ng madaling-araw.
Nakuha sa menor-de-edad ang siyam na pirasong pakete na naglalaman ng pinaniniwalaang shabu na may timbang na 3.9 gramo na may street value na P26,520; P500 cash at P100 buy-bust money.





Comments