Suplay ng kuryente sa Luzon, kinapos

Ilang oras na nakataas ang Yellow alert sa Luzon Grid dahil sa manipis na suplay ng kuryente sa gitna ng pag-aalburuto ng Bulkang Taal.
Ayon sa abiso ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), simula alas-10:00 hanggang alas-11:00 ng umaga; ala-1:00 hanggang alas-4:00 ng hapon at alas-5:00 ng hapon hanggang alas-7:00 ng gabi ay nakataas ang Yellow alert.
Paliwanag ng NGCP, hindi sapat ang reserbang kuryente para tugunan ang mataas na demand kasunod ng pag-shutdown ng ilang planta.





Comments