top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Sllp: Mandatum vs. I Love Jane

Ding Taboy
Jan 17, 2020
1 min read

RENDA at LATIGO

Aalagwa ngayon ang anim na karera sa San Lazaro Leisure Park na paglalabanan ng magagaling na mananakbo.

Sa bibitiwan na karera ng “Additional one Win in Group Races” magkakatapat ang mga kalahok sa Condition Race, 3 Year Old & Above Maiden Race at Condition Race Merged.

Napapaloob ang Pick 6, Pick 5 at Pick 4 sa anim na karera kasabay ng Trifecta, Quartet at Pentafecta. Sa Race 1, unang magaganap ang Pick 6 at napapalooban ng Trifecta, Quartet at Pentafecta at pinapaboran ang Mandatum habang makakalaban ang I Love Jane.

Sa Race 2, magsisimula ang Pick 5 at nakalalamang ang Golden Hook habang makakalaban ang King Fox at Hot Legs. Sa Race 3, nakalalamang ang Golden Buzzer at magsisilbing kalaban ang Kentucky Rain at Lady Bell at paglalabanan ang Trifecta at Quartet.

Magkakalaban ang Isa Pa Isa Pa at A Song For Gee at may isang kalahok na nakikita kong lalaban walang iba kundi ang Apollo of Aquila sa Condition Race 21 sa Race 4.

Sa Race 5, nakalalamang ang The Best Ever habang makakalaban ang couple entry na Bossa Nova at No Problem.

Nakalalamang ang Viva Morena habang maglalaban ang Shanghai Noon at Ack sa ikalawang puwesto at pangatlong puwesto sa Race 6.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page