top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Quezon City Gov’t., pinagbabayad ng P6-M sa Payatas tragedy

V. Reyes
Jan 17, 2020
2 min read

Hindi bababa sa anim na milyong piso ang iniutos ng Quezon City Regional Trial Court sa Pamahalaang Lungsod ng Quezon na ibayad sa mga pamilya ng dose-dosenang namatay sa trahedya sa Payatas noong 2000.

Batay sa 133-pahinang desisyon ng QC RTC Branch 97, inaatasan nito ang Quezon City Government para bayaran ang legal na pamilya ng 59 na nasawi sa pagguho sa Payatas dumpsite.

Nasa kabuuang P110,000 ang danyos sa bawat pamilya ng mga nasawi.

Inabsuwelto naman ng hukuman ang Metropolitan Manila Development Authority, Tofemi Realty Corporation and Meteor Company, Inc., na may-ari ng lupain na ginamit bilang dumpsite at Ren Transport, isa sa mga naghahakot ng basura para itapon sa Payatas.

Nangyari ang pagguho ng mga basura noong umaga ng Hulyo 10, 2000 kung saan natabunan nang buhay ang maraming residente ng relocation site sa Lupang Pangako, Payatas.

Bagama’t, iniutos na noong 1998 ng national government na ipasara ang dumpsite, muli itong nabuksan sa kabila ng reklamo ng mga residente.

“The mountain-like trash in itself is a testament of the city government’s gross negligence in the management and operation of the dumpsite,” punto ni Acting Presiding Judge Marilou Runes-Tamang sa kanyang desisyon.

Tinumbok din ng korte ang kabiguan ng Quezon City Government na magkaroon ng maayos na solid waste disposal facility kaya naging banta ito sa buhay at ari-arian ng mga naninirahan sa lugar.

Ikinakatwiran naman ng lokal na pamahalaan na kusa at alam ng mga residente ang panganib ng pananatili sa Payatas dumpsite na tumangging mailipat sa mas ligtas na lugar. Ngunit, kahit umano hindi nag-evacuate ang mga residente sa kasagsagan noon ng mga bagyo, sinisi pa rin ng hukuman ang local government nang hayaan nitong umabot ng ga-bundok na taas ang mga basura sa dumpsite.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page