top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Paghupa ng pagsabog ng Taal, mas nakakatakot ang kasunod

  • Ka Ambo
  • Jan 17, 2020
  • 2 min read

Humuhupa na ang pagbuga ng ashfall ng Bulkang Taal.

Pero, natuyo na ang crater.

Dumami rin ang bitak sa ilang bayan na malapit sa bulkan!

◘◘◘

NAHAHARAP sa maselang pagsusuri ang Phivolcs.

Kailangan nilang matukoy kung may banta ng malakas na pagsabog o tuluyan nang tapos ang trahedya!

◘◘◘

WALANG problema kung huhupa na ang bulkan.

Ang napakalaking problema ay kung bigla itong sumabog tulad ng Mt. Vesuvius!

◘◘◘

SINASABING noong panahon ni Moses nang mahati ang dagat at natuyo ang gitnang bahagi —kasabay ito ng napakalakas na pagsabog ng bulkan nang mga panahong ‘yun.

Natuyo ang dagat at nakalakad ang mga Hudyo sa pamumuno ni Moses!

◘◘◘

ANG ilang ilog naman sa Zambales at Pampanga ay natabunan ng lahar at nawala ang tubig nang sumabog ang Bulkang Pinatubo.

Ang mga nagaganap sa paligid ng Bulkang Taal ay maaaring senyales ng mas malakas na pagsabog kaysa sa paghupa!

◘◘◘

WALANG kinakapanayam ang media na nakabase sa Maynila sa mga eksperto mula sa ibang bansa.

Paulit-ulit lang, ang naririnig natin ay ang dakdak ng mga taga-Phivolcs at walang bagong impormasyon!

◘◘◘

KAPOS ang media na magsaliksik at nagkakasya lang sa ano lang ang madampot na impormasyon sa paligid.

Ang mabagal na pagpapakalat ng impormasyon kaugnay sa pagsabog ay mas dapat isisi sa pamamahayag imbes sa mga awtoridad!

◘◘◘

ANG pagsasaliksik sa napipintong pagsabog ay mas responsibilidad ng media kaysa responsibilidad ng mga awtoridad.

Malaya ang media na magsaliksik sakali mang tinatamad at iresponsable ang gobyerno!

◘◘◘

NAGHIHINTAY lang ng impormasyon ang media, imbes na magsaliksik at makatulong sa mga biktima.

Maselang sitwasyon ito na kakaunti lang ang nakauunawa!

◘◘◘

NAGDEKLARA ng state of calamity ang Cavite kahit wala ang bulkan sa kanilang teritoryo.

Layunin nito na magastos nila ang calamity funds.

Anumang disbursement o gugulin mula sa pondo ng gobyerno ay palaging may kakambal na “SOP” o ang lehitimong korupsiyon tulad ng “pork barrel”!

◘◘◘

TULAD ng mapagsamantalang negosyanteng nag-o-overpriced, patuloy ang korupsiyon sa gobyerno — kasabay ng pagnanakaw sa pondo na dapat nakalaan sa mga biktima ng kalamidad.

Kung paano babantayan ang “calamity fund” ay walang malinaw na direktiba ang Malacañang!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page