top of page
Pokwang.jpg

Outdoor training, bawal!

Gerard Arce
Jan 17, 2020
2 min read

Photo: Abs-cbn

Mananatili pa ring nakabinbin ang mga panlabas na ensayo at anumang aktibidades ng National Athletes kasunod ng pagbuga ng makapal na abo ng Mt. Taal matapos ang apat na araw.

Ipinag-utos ng Philippine Sports Commission (PSC) na tuloy ang suspensiyon ng iba’t-ibang outdoor training upang masiguro ang kalusugan ng Pambansang Atleta. “We have been coordinating with the NSAs (National Sports Association) to look for training alternatives. But then, PSC would always work on the safe side. We will be very prudent and vigilant on the health of the athletes,” pahayag ni Senior Executive Assistant Marc Edward Velasco, na inaalala ng pamunuan ang mabuting kalusugan ng mga atleta. “We cannot risk the health of our national athletes even after the ashfall has lessened. We try to see for another two days if we can resume the outdoor training,” dagdag ni Velasco.

Malaking naapektuhan ng pagbuga ng abo ng Mt. Taal ay ang mga koponan ng Windsurfing at Skateboarding na nakabase sa Batangas at Tagaytay sa Cavite. Nakabase ang Philippine windsurfers sa Mabini, Batangas, kung saan doon sila nananatili at nag-eensayo na siyang isinailalim sa Alert Level 4 simula pa noong Linggo. “We also know that we cannot keep our training hanging for days, so we are now considering some alternatives like moving to Subic Bay Zambales or somewhere in Northern Luzon,” ani Philippine Windsurfing Association, Inc. President Manny Cabili.

Nanlumo si National skateboarder Mak Feliciano sa sinapit ng bagong tatag na 3-ektaryang skate park sa Tagaytay City na nabalutan ng makakapal na abo na nagdulot para hindi magamit para sa pagsasanay at kompetisyon. “Nakalulungkot po kasi ang daming naapektuhan kasama na nga po iyong skate park,” saad ng 22-anyos na si Feliciano na nage-ensayo sa Hong Kong. “Sa ngayon nagpapatulong kami sa kapwa namin skaters na linisin ang skate park,” esplika nito na sa oras na makabalik ito ng bansa ay tutulong ito sa paglilinis.

Inamin ni Skateboarding and Roller Sports Association of the Philippines (SRAP) president Monty Mondigoria na nakikipagtulungan sila ngayon sa pamunuan ng Tagaytay City Administration upang linisin ang kanilang skate park. “Our NSA just called for a help drive to help local skateboarders in affected areas in Tagaytay, Batangas and other areas,” sa panayam kay Mondigoria ng BULGAR sa telepono. “We will also coordinate with the Tagaytay City Administration in a clean-up drive,” dagdag nito.

Naghahanda ngayon ang mga pambato na sina 2018 Jakarta-Palembang Asian Games champion at 30th Southeast Asian Games double gold medalist Margielyn “Margie” Didal at Jericho “Kiko” Francisco sa HK at U.S. pra sa Olympic Qualifying tournament.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page