top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Orcullo atbp., sasabak sa Derby City Classic

Eddie M. Paez, Jr.
Jan 17, 2020
2 min read

Photo: Abs-cbn

Pangungunahan ni SEA Games gold medalist Dennis Orcullo at ng SEAG ang pulutong ng mga manunumbok na Pinoy na sasabak sa malupit na sagupaang tinatawag na Derby City Classic simula ngayong Enero 24 hanggang Pebrero 1 sa palaruan ng Horseshoe Southern Indiana sa Elizabeth, Indiana.

Ang dating world champion mula sa Surigao na kilala rin sa bansag na “Robocop” sa pool circuit ay sasabak sa multi-event na kaganapan kasama nina Roberto “Superman” Gomez, Francisco “Djanggo” Bustamante, Alex “The Lion” Pagulayan, Lee Van Corteza at Zorren James “Dodong Diamond” Aranas.

Makasasagupa naman nila sa 9-Ball Banks, One Pocket, 9-Ball, Bigfoot Challenge at Overall na karera ang bigating mga cue artists mula sa iba’t-ibang parte ng daigdig tulad ng World Pool Billiards Association (WPA) no. 2 Joshua Filler ng Germany, Scotland ace at WPA no. 10 Jayson Shaw, British pride Chris Melling, Polish cue artist Konrad Juszczyszyn, Finland “Iceman” Mika Immonen at ang mga pambato ng punong-abala na sina Billy Thorpe, Corey Deuel, Skyler Woodward at WPA no. 3 Shane Van Boening.

Hindi nawawalan ng Pinoy sa winners’ circle sa taunang kompetisyon. Ang alamat na si Bustamante, Billiards Congress of America (BCA) Hall of Famer mula sa Tarlac, ay hari ng One Pocket noong 2018 at 2019 bukod pa sa pagiging All Around champion noong 2018.

Siya rin ay nangibabaw sa 9-Ball Banks noong 2017. Si Orcullo ang All Around king noong 2014 at 2017.

Taong 2018 nang maghari si Gomez sa Bigfoot na bakbakan.

Hindi lang si Orcullo ang naging double All Around titlist.

Dalawang beses din at back-to-back na naging All-Around Champion ang isa pang BCA Hall of Famer sa katauhan ni WPA no. 7 Pagulayan (2015, 2016).

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page