Olympic Qualifying sa China, hiniling na ilipat sa ‘Pinas
- Gerard Arce
- Jan 17, 2020
- 2 min read

Sinubukan ng Association of Boxing Alliances in the Philippines (ABAP) na kunin ang hosting ng darating na Olympic Qualifying tournament sa Wuhan, China, kasunod ng pagkabahala ng mga bansa, kabilang ang Pilipinas sa napapabalitaang bagong virus na lumabas sa pagdarausan ng naturang palaro.
Ayon kay ABAP secretary-general Ed Picson, pinag-isipan umano ng kanilang pamunuan na kunin na lamang sa China, kabilang ang bansang Israel at Thailand, ang Asia-Oceania Olympic qualifier na nakatakda sa Pebrero 3-14 sa Wuhan, China dahil natatakot ang ibang bansa na baka lumala pa ang sitwasyon sa naturang lugar na maaaring magkaroon ng outbreak ng pneumonia o anumang respiratory disease.
Isang bagay din umano ay ang naging eksperyensiya ng Pilipinas sa pagho-host ng nakalipas na 30th Southeast Asian Games noong 2019. “Pinag-iisipan din ng Pilipinas na mag-offer rin ng host and I already said to Task Force (international boxing) regarding this, we feel that, with the recent staging of the SEA Games last year, we have the mechanics to can perhaps undertake the hosting,” wika ni Picson sa lingguhang PSA Forum. “But I hope for a fact that I had an offer and they’ve called me if they want to offer. Wala namang sinasabi ang organizers na they are backing out, actually patuloy iyong communication ng kanilang NOC na “Everything is under control.” Sinabi rin ni Picson na pinasiyahan ng awtoridad ng China ang anumang kaugnayan ng naturang sakit sa nakamamatay na SARS (Severe Acute Respiratory Syndrome (SARS) at MERS (Middle East Respiratory Syndrome) na isang bagong tipo ng nakamamatay na coronavirus.
Nagpalabas na rin umano ng liham ang International Olympic Committee (IOC) mula sa World Health Organization (WHO) na mayroong kapasidad at kakayanan ang China na rumesponde at pamahalaan ang naturang respiratory disease outbreak, gayundin ang hindi pagrerekomenda sa mga manlalakbay ng panukala sa Wuhan, na 1,152 kilometro sa itaas ng Beijing, ang kapitolyo ng China.Magpapadala ang Pilipinas ng 5 manlalaro sa men’s division at 3 sa women’s category na kinabibilangan ng mga medalist sa nakalipas na biennial meet, kung saan kabilang sina 2019 AIBA World Amateur Boxing gold medalist Nesthy Petecio sa women’s under-57kgs at World silver medalist Eumir Felix Marcial sa men’s under-75kgs category.





Comments