top of page
WINNER - LEA, IN-UNFOLLOW SINA RM AT J-HOPE NG BTS, TINAWAG NA CLOUT CHASER NG FANS-IG _ms

Napa, bagong coach ng CEU Scorpions

  • A. Servinio
  • Jan 17, 2020
  • 1 min read

Pormal na itinalaga ng Centro Escolar University si Jeff Napa bilang bagong head coach ng kanilang koponan ng basketball. Dala niya ngayon ang malaking hamon na ipagpatuloy ang isa sa pinakamatagumpay na programa sa kolehiyo sa nakaraang dekada. Hindi bago kay Napa ang ganitong hamon dahil noong 2016 ay siya ang napili na pumalit kay Aldin Ayo bilang coach ng Colegio de San Juan de Letran na kagagaling lang sa kampeonato sa National Collegiate Athletic Association (NCAA). Nagsilbi siya sa Knights ng tatlong taon at sa panahon ng kanyang pagtalaga sa CEU ay isa siyang consultant ng Letran sabay assistant coach ng NorthPort sa PBA.

Ginabayan din ni Napa ang Nazareth School of National University sa ilang korona sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP) at marami pang liga ng high school. Tatayong mga assistant coach ay sina Chico Manabat, John Necesito at Max Encila at pangangasiwaan din nila ang Lady Scorpions.

Isa sa unang tututukan ng mga bagong coach ang paglahok ng Scorpions sa PBA D-League na magsisimula sa Pebrero 13. Maghahanda rin ang CEU na maidepensa ang kampeonato nila noong 2019 sa National Capital Region Athletic Association (NCRAA) at Men’s National Collegiate Athletic Association (MNCAA) at sisikapin din bumalik sa tuktok sa 5th Universities and Colleges Basketball League (UCBL).

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page