MDC 3x3 basketball, hahasain ang players sa age-grouper

Mabibigyan ng pagkakataon ang mas marami pang kabataan, higit na iyong age-grouper upang mas mapahusay pa ang karanasan sa idaraos na MDC 3x3 basketball tournament. Taliwas sa ibang organisasyon na nagsasagawa ng kaparehong basketball meet, ang MDC 3x3 ay nakatuon hindi lang sa 18-under division bagkus sa iba’t ibang age group class.
“The MDC3xx is an open tournament, focusing in age group division. We believe that from this group, talagang nagsisimula ‘yung passion ng players. Dito talagang made-develop ‘yung talent nila at maihahanda sila once they go further sa kanilang career,” pahayag ni Jessica Diaz-Clemente, MDC vice president for Sports, sa kanyang pagbisita sa TOPS (Tabloids Organization in Philippine Sports) ‘Usapang Sports’ kahapon sa National Press Club sa Intramuros, sa pagtataguyod ng Philippine Sports Commission, PagCor at Community Basketball Association. Kasama niyang nagbigay nang paliwanag hinggil sa kabuuan ng programa sina Alaine De Leon at coach Goy Bagares. “We started as a small tournament, now 24 team na ang naglaro sa qualifying meet and we’re preparing for the National Finals on May 11 at the Marikina Sports Complex,” sambit ni De Leon.





Comments