Kongreso, iimbestigahan ang Phivolcs, unahin n‘yo na ang sarili n‘yo!
DAPAT IMBESTIGAHAN DIN NG MGA CONG. ANG KANILANG SARILI —Iimbestigahan daw ng Kongreso ang mga opisyal ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) kung bakit hindi nakapagbigay-babala sa publiko, partikular sa mga taga- Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon tungkol sa pag-aalburoto ng Bulkang Taal.
Kapag inumpisahan na ang imbestigasyon, dapat imbestigahan din ng mga kongresista ang kanilang sarili kung bakit ang dating P38.9 billion calamity fund noong administrasyong Aquino ay tinapyasan at naging P16 bilyon na lang ngayon, boom!
◘◘◘
TULONG ANG KAILANGAN, HINDI PAUTANG — Hindi nagustuhan ng mga magsasaka at mangingisdang biktima ng pagsabog ng Bulkang Taal ang sinabi ni Sec. William Dar ng Department of Agriculture (DA) na sila ay pauutangin ng tig-P25,000 ng gobyerno para kahit paano ay makaahon sila sa buhay.
May punto na mabuwisit ang mga magsasaka at mangingisda kasi sa panahong sila ay nagdarahop sa buhay, hindi pautang ang kanilang kailangan kundi totoong tulong mula sa gobyerno, period!
◘◘◘
SA GITNA NG KALAMIDAD, MOCHA USON, NAGPAPAKALAT NG FAKE NEWS — Nag-post na naman ng fake news sa social media si Mocha Uson na kesyo limang pirasong pandesal at isang bottled water lang daw ang laman ng supot na ipinamimigay ni VP Leni Robredo sa mga biktima ng pagsabog ng Taal Volcano.
Ayon sa mga volunteer na nag-repack ng relief goods, isa’t kalahating kilo ng bigas, 5 pirasong de-lata at dalawang packs ng instant noodles daw ang laman ng relief goods.
Hay naku, talo talaga ang taxpayers sa ipinasusuweldo nila kay Mocha kasi kahit sa panahon ng trahedya, nagpapakalat pa rin ito ng fake news, buwisit!
◘◘◘
SA PANAHON NG TRAHEDYA, MAY MGA TONGPATS COLLECTOR PA RIN — Isang “Dingalan” daw na bata ng mga tongpats collector na sina “Batman Morante” at “Robin Villareal” ang puwersahang nanghihingi ng payola kahit stop ang raket ng mga ilegalista sa CALABARZON dulot ng pagsabog ng Bulkang Taal.
Pambihira namang mga tongpats collector ito, kahit sa panahon ng trahedya, paghingi pa rin ng payola ang inaatupag, mga buwisit!





Comments