Wish ko lang, 'di siya matalo… Aktor-pulitiko, lunod na lunod sa mga papuri, todo-bilib na may &
- Erlinda Rapadas T.
- Jan 16, 2020
- 1 min read

BLIND ITEM:
Medyo nakakaramdam na ng tampo ang mga dating kaibigan at katropa ng isang actor-turned politician. Kung dati-rati kasi ay may panahon ito kahit gaano pa siya kaabala bilang public servant, ngayon ay ang laki-laki na raw ng ipinagbago nito.
Iba na rin ang kanyang aura at mukhang hindi na talaga basta-basta mari-reach at makakausap. Marami nang paanyaya ang hindi niya nasisipot. Kahit na ‘yung may nai-set nang appointment sa kanyang opisina ay bigla-bigla na lang daw niyang ikina-cancel.
Dati-rati ay napakalapit niya sa entertainment press, pero ngayon ay hindi na niya halos pinapansin ang mga taong nakasama niya noong isa pa lang siyang baguhan. Kaya hindi masisisi kung unti-unti na ring nagsisilayo ang mga ito at hindi na umaasa pang mabibigyan sila ng panahon at atensiyon ng actor-politician.
Mukhang tuluyan na ngang nalunod sa mga papuri ang actor-politician lalo na kapag sinasabi ng kanyang mga rah-rah boys na puwedeng-puwede na siya sa mas mataas na posisyon sa gobyerno.
Sana nga, huwag siyang masilat sa kanyang ambisyon.





Comments