top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Lucky Saver vs. Case Bell sa San Lazaro Park

Ding Taboy
Jan 16, 2020
1 min read

RENDA at LATIGO

Walang nangyaring aberya sa mga karerahan sa Cavite at Batangas maging sa alagang kabayo nang pumutok ang bulkang Taal.

Patunay ito na nagkaroon ng magandang pista ang Metro Manila Turf Club Inc.(MMTCI) sa karera noong Martes, Miyerkules, ngayong Huwebes at sa Biyernes sa Carmona, Cavite kasunod ng nakatakdang karera sa Sabado at Linggo sa Santa Ana Park, Naic, Cavite.

Magaganap ang tig-anim na karera sa Carmona race track sa araw ng Huwebes at Biyernes. Kasabay nito bibitiwan ang Pick 6, Pick 5 at Pick 4 na kapapalooban ng Trifecta, Quartet, Pentafecta at Super 6.

Sa Race 1, unang magaganap ang Pick 6 at nakalalamang ang Lucky Saver at makakalaban ang Case Bell. Sa Race 2, magsisimula ang Pick 5 ay nakalalamang ang beyond D’Sea laban sa Here I Am at Baling Rikit. Sa Race 3, nakalalamang ang couple entry na Miss Marshall at Trust Worthy habang magsisilbing kalaban ang Hail Storm at rockaway na simula ng Pick 4.

Ipinapatok ang Strong Leader, habang ang Now ang Forever Artikulo Uno at Gee’s Song ay magsisilbing kalaban sa Race 4. Sa Race 5 ipinapatok ang Murika, habang makakalaban sa Forecast ang Forest Cover, Already Feisty at Sky Hook.

Sa Race 6, nakalalamang ang couple entry na Eyeshot at Be Humble, laban sa Kingdom, couple entry na Easy Landing at Huckleberry.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page