Cavite, isinailalim na sa State of Calamity

Idineklara kahapon ang buong lalawigan ng Cavite sa ilalim ng State of Calamity.
Ang pagdedeklara ay inaprubahan kahapon ng Sangguniang Panlalawigan ng Cavite sa isang special session (Resolution No. 1389-2020) dahil sa epektong dulot ng pagsabog ng Bulkang Taal noong Linggo.
Sinabi ni Cavite Governor Jonvic Remulla na maraming residente ng Batangas at Cavite ang lumisan sa kanilang tahanan matapos na ideklarang Alert Level No. 4 ang pagputok ng Bulkang Taal.
Dagdag pa ni Remulla na ang pagdedeklara ng State of Calamity sa buong lalawigan ng Cavite ay upang matulungan ang ibang mga nagsilikas sa kanilang bahay na kasalukuyan ay nasa evacuation centers.
Makatutulong din ang pagdedeklara ng State of Calamity para makapaglabas ng pondo.
Matatandaang, nauna nang nagdeklara ang Batangas ng State of Calamity noong January 13, bago sumunod ang Cavite.





Comments