2 nagdala ng relief goods, patay sa trak
- Levi Gonzales
- Jan 16, 2020
- 1 min read

Dalawa katao ang nasawi matapos salpukin ang kanilang sinasakyang trak sa National Highway, Bgy. Banay-Banay 1st, San Jose, Batangas.
Kagagaling lamang sa isang relief operation upang magbigay tulong sa mga apektado ng pagsabog ng Bulkang Taal ang mga biktimang sina Maximino Alantra, driver, at Rio John Abel.
Pauwi na ang sinasakyang Mitsubishi Lancer nang salubungin at kainin ang kanilang linya ng Isuzu tractor head na minamaneho ng suspek na si Chris Charlie Peralta.
Pumailalim ang unahang bahagi ng sasakyan sa trak hanggang sa mayupi kung saan matinding pinsala sa ulo at katawan ang kanilang tinamo.
Isinugod naman sa pagamutan si Darwin Lajara na nasa kritikal pang kondisyon. Kinasuhan na ang driver ng nasabing truck sa pulisya.





Comments