top of page
WINNER - LEA, IN-UNFOLLOW SINA RM AT J-HOPE NG BTS, TINAWAG NA CLOUT CHASER NG FANS-IG _ms

Pagkakabitak-bitak ng lupa sa Batangas, sign ng The Big One!

  • Ka Ambo
  • Jan 15, 2020
  • 1 min read

Mahusay daw na fertilizers ang ashfall.

P'wes, taniman ng palay ang mga kalye sa Batangas!

◘◘◘

INILIGTAS ng mga magsasaka ang mga inabandonang hayop sa volcano islands.

Bilyun-bilyong piso ang mababangkarote sa Region 4-A.

Apektado ang ekonomiya ng bansa!

◘◘◘

BINAHA ang Cagayan Valley, nilindol ang Mindanao at ngayon naman, may sumabog na bulkan sa Southern Luzon.

Parusa ba ito sa mga Pinoy?

◘◘◘

NAGKAKABITAK-BITAK na ang lupa sa ilang bayan sa Batangas.

Babala ito sa “The Big One”!

◘◘◘

“GHOST town” na ang Tagaytay.

Lugi ang negosyo!

◘◘◘

NAKAPASOK na sa Thailand ang misteryosong sakit na mula sa China.

Huwag sanang makarating sa Maynila!

◘◘◘

LUMUTANG ang mga isda sa dalampasigan ng Mindoro.

Masamang pangitain ini!

◘◘◘

KINASTIGO ni P-Digong ang PNP dahil sa talamak na korupsiyon.

Kastigo lang? Dapat itokhang!

◘◘◘

ENERO pa lang, marami pang kalbaryo ang naghihintay ngayong taong 2020.

Wala pa ang tag-ulan, dapat itong paghandaan.

Huwag “nganga” lang!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page