top of page
Pokwang.jpg

Mapagsamantalang negosyante, lagot sa DTI!

Nancy Binay
Jan 15, 2020
2 min read

Nancy Binay / Be Nice Tayo

Matapos mag-umpisang mag-alburoto ang Bulkang Taal noong Linggo, may mga naiulat agad na pananamantala sa ating mga kababayan, sa pamamagitan ng hoarding at overpricing ng mga face mask, partikular na ang N95 variety.

Gusto nating paalalahanan ang mga “enterprising” na mga establishments na nakatutok ang Department of Trade and Industry (DTI) sa ganitong mga predatory attitudes lalo na sa gitna ng krisis.

May mabigat na parusa ang sinumang mapatutunayang nananamantala sa mga mamimili.

Nananawagan tayo sa ating mga kababayan — sana, sa panahon ng sakunang ito, ang manaig ay ang pagbabayanihan at pagkakawanggawa na kilalang kaugalian nating mga Pilipino.

◘◘◘

Umaasa rin tayo na magpapamigay ang Department of Health (DOH) ng mga N95 masks para sa mga kababayan natin sa mga lugar na pinakaapektado ng pagputok ng bulkan. Maaari itong isama sa relief packages na ipamimigay ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).Kailangang i-prioritize ang pagbibigay nito sa mga bata at mga taong may karamdaman, partikular sa mga may respiratory condition.

Mainam na makipag-ugnayan ang DOH sa mga private sectors kung mahirapan ito sa pagkalap ng mga N95 masks na ipamimigay.

◘◘◘

Nakatataba ng puso ang pagkukusa ng marami sa ating mga kababayan na magpaabot ng tulong sa tuwing mayroon tayong nararanasang sakuna.

Patunay ito na buhay na buhay pa rin ang diwa ng bayanihan sa karamihan sa mga Pinoy.

Ngunit, mahalaga rin siguro na idiin sa ating mga kasama sa pamahalaan na ayusin ang ating disaster preparedness and response program.

Dahil sa pagkakapuwesto ng bansa sa Pacific Ring of Fire at dahil na rin sa climate change, hindi mawawala ang banta ng kalikasan.

Gayunman, maging aral sana sa atin na dapat palagi tayong handa dahil hindi tayo sigurado sa mga bagay na puwedeng dumating at mangyari.

Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.

Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US! Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page