Lakers at Thunder, nanaig kontra Cavs at T’wolves

Umiskor si LeBron James ng 23 sa kanyang naibakas na 31 points sa second half nang itala ng Los Angeles Lakers ang ika-siyam na straight NBA victory, 128-99 laban sa Cleveland Cavaliers.
Habang nagpapagaling pa si Lakers star Anthony Davis dahil maga pa ang likod nito bunga ng masamang bagsak sa sahig, dumagdag si Dwight Howard ng season highs 21 points at 15 rebounds para sa Western Conference leaders.
Bumakas si James ng eight assists at nilampasan si Isiah Thomas sa 8th place bilang all-time favorite ng liga. Siya ngayon ay may 9,067 career assists. “Any time I’m linked with the greats it’s just an honor,” saad ni James nang malampasan ang nagawa ni Thomas.
Hindi nakalaro si James sa Lakers nitong nakaraang dahil may sakit ito, umibayo sa 2-0 laban sa Cavaliers mula nang humiwalay siya sa Cleveland at lumipat sa Los Angeles noong 2018.
Umangat ang Cavs sa 14-point lead sa first half pero nakadikit ang Lakers sa one point at nasundan ng pagpapasabog na 81 points sa second half. “Defensively we got stops and we had great pace. Even when they scored we got the ball out and continued to play with a lot of pace,” ani James. “That allows us to get into our offense. We’re playing with a lot of balance.”
Sa iba pang laban, itinala ni Shai Gilgeous-Alexander ang pangalan sa record books sa Minnesota nang tulungan ang Oklahoma City Thunder na magwagi sa 117-104 kontra Timberwolves sa bisa ng kanyang unang career triple-double.
Umiskor ang pitong Thunder players ng double figures pero si Gilgeous-Alexander ang may pinakamataas na 20 points, 20 rebounds at 10 assists.
Ang kanyang rebound total ay career high at pinakamatindi sa liga bilang guard sa naturang game ngayong season.
Nakahilera niya si dating Thunder superstar Russell Westbrook bilang guards na may 20-points, 20-rebounds at triple-doubles sa huling 30 seasons.
Sa edad 21 at 185 days old siya ang naging pinakabatang player sa league history na may 20-rebounds triple-double, kung saan giniba ang mark set ni Shaquille O’Neal noong 1993.





Comments