top of page
Kris Aquino C.H.I.K.A. - NETFLIX

Inginuso ng mga suki.. 6 katao tiklo sa P5-m shabu

  • Janice Baricuatro
  • Jan 15, 2020
  • 2 min read

Mahigit P5 milyong halaga ng shabu ang nasabat ng Bacoor Police sa magkahiwalay na operasyon sa Bacoor City, Cavite, kahapon.

Kinilala ni Pol. Colonel Vic Cabatingan, ang mga suspek na sina Aisa Juiamalo, 58, residente ng Bgy. Molino 4, nasa high value target ng pulisya; Bainot Saidali, 40, at Nasser Makalpal, 38, kapwa nasa drugs watchlist.

Sa ulat sa tanggapan ni Cavite Provincial Director Police Col. Marlon Santos, isang buy-bust ang ikinasa ng City Drug Enforcement Team ng Bacoor City Police kasama ang ilang miyembro ng PDEA-Cavite alas-2:45 ng madaling-araw kung saan isang police officer ang tumayong poseur-buyer at nakipag-deal sa mga suspek.

Habang isinasagawa ang transaksiyon, dito na dinakma ang grupo at nakuha sa mga ito ang milk container at coin purse kung saan nakalagay ang mga naka-repack na shabu na may timbang na 635 grams na aabot sa halagang P4,318,000.

Samantala, sa Bgy. San Nicolas 3, Bacoor, Cavite, kamakalawa nang maaresto ang mga suspek na sina Bruno Montibon, 36, nasa high value target-pusher; Alma Sumague, 26, at Roger Calinisan, 40, kapwa nasa drugs watchlist.

Alas-2:00 ng hapon nang maglatag ng buy-bust ang DEU ng Bacoor kasama ang ilang PDEA 4A sa Tambakan, Green Valley, Bgy. San Nicolas 3. Isang police officer ang umaktong scorer at nakipag-deal sa mga suspek.

Nang maibaba ang senyas, dito na dinakma ng grupo ng mga suspek at nakuhanan ang mga ito ng may 12 sachets na naglalaman ng 110 gramo ng shabu na aabot sa halagang P748,000.

Nakuha rin ang pouch na naglalaman ng weighing scale, cal. .38 pistol na walang serial number, magazine ng cal. .38 pistol at mga bala.

Nahuli ang mga suspek sa pamamagitan ng isang confidential informant na naging kliyente ng mga ito.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page