Career, frozen delight? Heart, walang bagong show sa siyete ngayong 2020
- Erlinda Rapadas
- Jan 15, 2020
- 1 min read

Nagtatanong ang ilang fans ni Heart Evangelista kung bakit hindi nababanggit ang pangalan ng kanilang idolo sa mga magbibida sa mga bagong serye ng GMA Network ngayong 2020? Ano raw ang plano ng Kapuso Network kay Heart?
Wala rin kasing paramdam si Heart sa kanyang mga social media account kung anu-ano ang kanyang pinagkakaabalahan ngayon. Personal choice ba niya na huwag munang tumanggap ng teleserye?
Baka naman ang pagho-host o pagdya-judge ng mga bagong reality at singing contests ang ibibigay kay Heart ng GMA-7, katulad ni Alden Richards na kapag nagtapos na ang seryeng The Gift ay magho-host ng talent search show na Centerstage.
Anu’t anuman, nakakatiyak naman ang mga fans at supporters ni Heart na hindi pababayaan ng GMA Network ang kanilang idolo. May existing contract pa siya sa Kapuso Network. Magiging abala pa rin ang taong ito para kay Heart dahil marami siyang puwedeng gawin tulad ng pagpipinta, pagdi-design ng bags at damit, ang pagiging bahagi ng fashion shows abroad, ang pagtulong sa mga charity projects at ang pag-aasikaso sa mga makabuluhang proyekto ng kanyang mister, ang dating senador at ngayon ay governor ng Sorsogon na si Chiz Escudero.





Comments