top of page
Pokwang.jpg

Williams, kampeon sa ASB Classic sa Auckland

MC
Jan 14, 2020
1 min read

Nagkampeon sa ASB Classic sa Auckland, New Zealand si American tennis star Serena Williams.

Ginapi niya ang kapwa American na si Jessica Pegula, 6-3 at 6-4.

Napanalunan ng 38-anyos na tennis player ang unang titulo mula nang magsilang ng sanggol noong Set. 1, 2017. Ikinatuwa niya nang labis ang pagkakakuha niya ng titulo dahil matagal nang hindi nagkakaroon ng titulo mula nang siya ay manganak.

Samantala, paano na lamang ang malalaking atleta sa Tokyo Olympics sa kanilang hihigaan roon.

Ang kama umano sa Athletes Village sa 2020 Olympics ay gawa sa cardboard.

Pero ang naturang kama ay kayang makapagdala ng 200 kgs na bigat, paliwanag ni Takashi Kitajima, ang general manager ng Athletes Village sa isang interpreter. “They are stronger than wooden beds,” dagdag ni Kitajima.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page