top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Sa gitna ng pag-aalburoto ng Bulkang Taal.. Mag-ingat sa fake news

  • Lourdes Abenales
  • Jan 14, 2020
  • 1 min read

Nanawagan si Senador Imee Marcos na magpatupad ng maayos at masistemang koordinasyon ang lahat ng ahensiya ng gobyerno at mga pribadong grupong aayuda sa mga apektado ng pag-aalburoto ng Bulkang Taal.

“Bukod sa radio, telebisyon at diyaryo, paigtingin din natin ngayon ang paggamit ng social media sa komunikasyon para sa mas mabilis na tulong sa mga apektado ng pagsabog ng Bulkang Taal,” pahayag ni Marcos.

Gayunman, dapat ay maging responsable sa paggamit ng social media ang lahat ng kinauukulan at maging ang publiko upang matiyak na hindi sila mabibiktima ng fake news.

Ayon kay Marcos, bagama’t, alam na ang protocol at aktibo na ang iba’t ibang ahensiya ng gobyerno sa kanya-kanyang papel sa gitna ng pagsabog ng bulkan, dapat ding masiguro ang malinaw, masistema, mahusay at mabilis na koordinasyon para sa iisang galaw sa pagtugon sa mga biktima ng kalamidad o sakuna.

Ani Marcos, bagamat, marami nang pinagdaanang sakuna ang bansa, ang kailangan, segundo lang ang pagitan sa pagsasalba ng mga namemeligrong buhay sa mga sakuna lalo pa’t Alert Level 4 na ang bulkan .

Paalala naman ng senador sa publiko na mag-ingat, manatiling kalmado pero alerto at sumunod sa tagubilin ng mga awtoridad para hindi mapahamak.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page