top of page
WINNER - LEA, IN-UNFOLLOW SINA RM AT J-HOPE NG BTS, TINAWAG NA CLOUT CHASER NG FANS-IG _ms

Phivolcs tinipid, budget singlaki lang ng pork barrel ng isang cong.

  • Pabs Hernandez III
  • Jan 14, 2020
  • 2 min read

YEARLY BUDGET NG PHIVOLCS, KAPAREHO NG PORK BARREL NG ISANG CONG.—Biglang nag-alburoto at anumang oras ay handa nang muling sumabog ang Bulkang Taal. Ayon kay Mariton Bornas, monitoring chief ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), nagulat na lang sila sa bilis ng escalation at pagsabog ng bulkan na ang ashfall ay nakaapekto ngayon sa Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon (CALABARZON), Metro Manila, Central Luzon at iba pang karatig na lugar.

Talagang hanggang pagkabigla na lang ang masasabi ng Phivolcs kasi luma na ang kanilang mga aparato. Pero, hindi natin sila masisisi dahil napakaliit ng inilaang budget sa kanila na mahigit P500 milyon lang yearly. Ang masaklap, alam n’yo ba na ang halagang ito ay halos kapareho lang ng P500 milyong pork barrel ng bawat kongresista ngayong panahon ni Speaker Alan Peter Cayetano? Boom!

◘◘◘

GOBYERNO, IMBES NA MODERNISASYON SA PHIVOLCS AT PAGASA, NAGTATAG NG ALA-NASA NA PHILSA—Sa sunud-sunod na matitinding kalamidad na tumatama hindi lang sa Pilipinas kundi maging sa iba pang panig ng mundo, ang dapat ginawa ng gobyerno ay naglalaan ng malaking pondo para sa modernisasyon ng Phivolcs at Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), kasi ang dalawang ahensiyang ito ang nakatutok sa mga kalamidad na posibleng tumama sa bansa.

Pero imbes na modernisasyon, nag-ilusyon ang gobyerno na magtatag ng ala-National Aeronautics and Space Administration (NASA) na Philippine Space Agency (PhilSA) na pinondohan ng P10 bilyon, buwist!

◘◘◘

BAGONG TATAG NA PHILSA, BAD SHOT AGAD?—Sa totoo lang, hindi nagustuhan ng publiko ang pagtatag ng PhilSA kasi ang mga opisyal at tauhan na itinalaga ay bagong pasaning susuwelduhan ng taumbayan, gayung wala namang malinaw na detalye o hindi ipinaliwanag kung ano ang gagawin at responsibilidad ng ahensiya.

Hay naku, baka sa P10 bilyong budget ng PhilSA, eh, ang gawin lang ay alamin sa kalawakan kung bakit maraming Pinoy ang nabubuang tuwing bilog ang buwan, joke-joke-joke!

◘◘◘

DAPAT LANG NA MAKINABANG ANG TAUMBAYAN SA “PORK” NG MGA CONG.—Inihayag ni Speaker Alan Peter Cayetano na nakahanda raw ang mga kongresista na tumulong sa mga kababayang naapektuhan ng Bulkang Taal.

Dapat lang, para makinabang naman ang mga kababayan nating biktima ng kalamidad sa “pork” ng mga cong., period!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page