top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Gobyerno nabulaga, buking na hindi handa sa mga biglaang kalamidad

  • Ka Ambo
  • Jan 14, 2020
  • 1 min read

Nasorpresa ang lahat sa pagsabog ng Taal Volcano.

Humabol siya sa New Year!

◘◘◘

NASAKSIHAN natin na hindi maaasahan ang gobyerno sa biglaang kalamidad.

Kani-kanya talaga tayo ng preparasyon!

◘◘◘

KAHIT kumalma ang Iran at U.S., marami ang nagbababala sa sorpresang World War III.

Alanganin si Trump dahil sa impeachment.

Madadamay siya!

◘◘◘

MAGING ang China ay hilong-talilong sa bumabagsak na ekonomiya kasabay ng Europe.

Lahat ng ‘yan ay iisa lang ang solusyon — digmaan!

◘◘◘

NAUULIT ang kasaysayan.

Ang tawag d’yan ng Phivolcs ay historical data!

◘◘◘

MULA sa historical data, mape-predict ang future.

Scientific naman ang tawag d’yan ng mga eksperto!

◘◘◘

AGAD namahagi ng relief goods ang Bahay Partylist ni Rep. Naealla Bainto Aguinaldo sa Taal, Batangas kahapon katuwang si Mayor Pong Mercado.

Inilikas na ang mga residente sa Batangas Sports Center katuwang ang Trinity Volunteer Fire Department sa pamumuno ni Manila Barangay Chairman Lenin Bacud na dumayo sa Taal upang sumaklolo!

◘◘◘

MAHALAGANG sumaklolo ang mga nagmula sa malayong lugar sa ganitong kalamidad.

Tuliro kasi ang mga nasa bisinidad ng trahedya.

Ito ang dapat maging modelo sa rescue and relief operations sa buong bansa!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page