top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

‘Pinas bibida vs. Myanmar sa Asian Football qualifying

A. Servinio
Jan 14, 2020
2 min read

Handa na ang lahat para sa pagsabak ng kampeon ng Philippines Football League (PFL) Ceres Negros kontra sa kampeon ng Myanmar National League Shan United ngayong Martes ng gabi sa simula ng qualifying round ng 2020 Asian Football Confederation (AFC) Champions League. Nagpasya ang mga opisyal ng AFC na ituloy ang laro sa kabila ng pagputok ng Bulkang Taal noong Linggo.

Maliban sa paglaro sa harap ng mga kababayan, malaking paborito ang mga Busmen na umilit sa mga bisita simula 7:30 ng gabi. Panalo ang Ceres sa huling lima nilang pagkikita buhat pa noong 2018 at nais nilang ipagpatuloy ito.

Nagtapat ang dalawang koponan sa qualifying round ng 2018 ACL kung saan kinailangan ng Ceres ang isang penalty shootout. Nagkita rin sila sa group stages ng 2018 at 2019 AFC Cup at panalo ang Busmen sa lahat ng apat na laro sa mga iskor na 2-0, 1-0, 3-2 at 5-0.

Pamumunuan ang atake ng Ceres nina kapitan Stephan Schrock at Bienvenido Maranon, ang nagtala ng pinakamaraming goal sa 2019 AFC Cup. Nariyan din sina James Younghusband, Jeff Christianens, Mike Ott, OJ Porteria, goalkeeper Roland Muller at mga bagong pirmang sina Mark Hartmann, Hikaru Minageshi, Joshua Grommen at Arnie Pasinabo.

Aasa ang Warriors na bubuhatin sila ng kanilang mga banyagang manlalaro, lalo na si Daniel Tagoe ng Kyrgyzstan na nagpahirap sa Azkals noong 2019 AFC Asian Cup. Ang iba pa nilang mga pambato ay sina Keith Martu Na ng Liberia at Yakubu Abubakar ng Ghana habang mamumuno si kapitan Thiha Sithu sa halos hindi nagbagong line-up ng mga local na manlalaro.

Ang magwawagi sa laro ay tutuloy sa Thailand para laruin ang Port FC sa Marso 21. Didiretso ang mananalo sa Japan labanan ang FC Tokyo sa Marso 28 para sa karapatan mapasama sa 2019 ACL group stage kontra sa mga bigating Ulsan Hyundai ng Timog Korea, Shanghai Shenhua ng Tsina at Perth Glory ng Australia. Laro Ngayon – Rizal Memorial Stadium: 7:30 Ceres Negros vs. Shan United.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page