top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Pork barrel ng mga Cong. ngayon, times 5 nu’ng panahon ni Ex-PGMA

Pabs Hernandez III
Jan 13, 2020
2 min read

TIG-P500 MILYONG “PORK” NG MGA CONG., HINDI IBINASURA NI P-DUTERTE—Noong Jan. 6, 2020, nilagdaan na ni P-Duterte ang P4.1 trillion National Budget. Pero ang nakadidismaya, hindi ibineto o ibinasura ng pangulo ang sinasabi ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson na tig-P500 milyong “pork barrel” na isiningit sa 2020 National Budget.

Ang suwerte ng mga cong. ngayon, kasi noong panahon nina Pantaleon Alvarez at Gloria Macapagal-Arroyo, tig-P80 milyon lang ang “pork” nila yearly, pero ngayong panahon ni Speaker Alan Peter Cayetano, ang laki ng itinaas ng kanilang pork barrel dahil tig-P500 milyon na sila ngayon, buwisit!

◘◘◘

TIBA-TIBA ANG MGA “PORK BARREL” POLITICIANS AT “TONGPATS” COLLECTORS—Hindi lang “pork barrel”, este, pang-”projects” ng mga cong. ngayon ang tumaas kundi pati ang hinihinging “tongpats” nina “Batman Morante” at “Robin Villareal”.

Isipin mo, ang dating P300 milyong weekly “payola” ni jueteng lord “Ariza” ng Cavite ay P3.5 milyon na raw ngayon at ang dating tig-P1 milyong weekly payola ng mga jueteng lords sa Laguna na sina “Haruta”, “Toce” at “Alvarez” ay tig-P1.5 milyon na raw ngayon.

Sa panahon ngayon, tiba-tiba ang mga pork barrel politicians at “tongpats” collectors, mga buwisit!

◘◘◘

DAPAT I-REQUEST NI PCSO-GM GARMA KAY GEN. DANAO NA TOKHANGIN NA ANG MGA JUETENG LORDS SA CAVITE AT LAGUNA—Nang payagan ni P-Duterte na muling makapag-operate ang STL ng PCSO, halos lahat ng lalawigan ay STL na ang nag-o-operate, maliban sa Cavite at Laguna na jueteng pa rin ang namamayagpag.

Dapat i-request na ni PCSO General Manager Royina Garma kay PNP-Region 4-A Director Gen. Vicente Danao, Jr. na tokhangin na ang mga jueteng lords sa Cavite at Laguna upang legal na STL na ang mag-operate para ang kubransa ay pumasok sa gobyerno at makatulong sa mga kapus-palad kasi sa jueteng ay mga gambling lords lang ang nakikinabang, boom!

◘◘◘

KAPAG MAHIHIRAP NA KUBRADOR, KULONG AGAD PERO KAPAG GAMBLING LORDS, HINDI?—Last week, hinuli ng PNP-NCRPO ang mga kubrador ng illegal na STL-Pares sa Quezon City.

Pero hanggang ngayon ay nakakulong pa ang mga ito dahil hindi raw sila pinyansahan ng mga gambling lords na sina “Tepang”, “Kit” at “Baby”.

‘Yan ang katotohanan na kapag mga mahihirap na kubrador, nakukulong agad, pero ang mga gambling lords, hindi, dahil “untouchables” sila, tsk-tsk-tsk!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page