Maynilad at Manila Water, tablado sa taas-singil, hindi umubra kay P-Digong, tiklop!
- Bobi Tiglao
- Jan 13, 2020
- 2 min read
Malaking trabaho ang pag-ayos ng mga kontrata sa pribadong sektor para sa administrasyon. Pero ito ang ipinangako ni Pangulong Rodrigo Duterte sa taumbayan na bubusisiin niya lahat ng mga kontrata sa pagitan ng gobyerno at pribadong sektor para ipagtanggol ang karapatan ng mamamayan.
“Maaasahan ninyo ‘yan sa nalalabing oras ko sa Palasyo. Lahat ng kontrata na dehado ang mamamayan ay papalitan natin,” ito ang sinabi ng pangulo sa isang panayam.
Inumpisahan ang pagsusuri ng mga kontrata na napirmahan noong dating administrasyon.
Ito ay matapos nabulaga ang administrasyong Duterte sa demanda ng dalawang pribadong kumpanya para mabayaran sila nang bilyun-bilyong piso.
Nagpunta sa korte ng Singapore ang dalawang dambuhalang kumpanya ng tubig, ang Manila Water (pagmamay-ari ng mga Ayala) at Maynilad Water Services (pinamumunuan ng Pangilinan-Salim-Consunji) para ihabla ang Republika ng Pilipinas.
Dahil kaalyado nila ang Singapore (ka-partner ng mga Ayala sa negosyo), lumabas ang desisyon na kailangan daw magbayad ang gobyerno ng P7.4 bilyon sa kanila.
Matatandaang, nagsampa ng kaso ang mga ito dahil nalugi raw ang kanilang negosyo nang hindi sila pinayagang magtaas-singil mula pa noong nakaraang administrasyon.
Pero ang totoo, bilyones ang kanilang kita kada taon, habang ang serbisyo nila sa publiko ay walang kuwenta. Tsk!
Dahil sa sobrang pang-aabuso, pinagmumura sila ng pangulo kaya ‘yun, biglang tumiklop ang mga oligarkiya na matagal nang nagkakamkam ng yaman mula sa taumbayan at sinabing hindi na nila sisingilin ang gobyerno.
Pero hindi pa tapos ang kuwentado dahil sa kasakiman ng mga Ayala, Salim at Pangilinan, lahat ng mga kontrata ng gobyerno sa pribadong sektor ay idaraan sa masusing pag-aaral at pagsusuri.
Titingnan ng gobyerno kung may mga probisyon kung saan nadedehado ang mamamayan.
Sa ngayon ay inaayos na ang mga bagong kontrata sa pagitan ng gobyerno at dalawang water concessionaires sa Metro Manila.
May ipinasok nang bagong probisyon sa draft water contract kung saan may awtoridad na ang gobyerno na tanggihan ang anumang pagtaas-singil ng patubig na gustong gawin ng mga ito.
Hindi ba, may karapatan ang gobyerno na i-reject ang anumang water rate increase, lalo na at walang basehan pero bakit noon ay hindi puwede?
Ganu’n kalakas noon ang mga oligarkiya — nadidiktahan nila ang gobyerno para maglagay ng mga probisyon na pabor sa kanila kaya nagulantang ang mga oligarkiya kay Pangulong Duterte. Matapang ang pangulo, wala itong pakialam kung magalit sa kanya ang mga elitista at mayayaman.
Sinabi ni Pangulong Duterte kina Ayala-Salim-Pangilinan na tanggapin nila ang mga bagong kontrata at kung hindi ay ikakansela ang kasalukuyang set-up at matatanggal sa kanila ang water concessionaire contract.
Ayon sa pangulo,“Kung hindi ninyo pipirmahan ang mga bagong kontrata, wala nang kontrata dahil na-terminate na namin ito.





Comments