top of page
SHEET - CLAUDINE, NAPIKON NA TINAWAG NA BIPOLAR, MAGDEDEMANDA_FB Claudine Barretto.jpeg

Kevin Love at Thompson nagpanalo sa Cavaliers

MC
Jan 13, 2020
2 min read

Bumakas ng 19 points at 15 rebounds si Kevin Love upang ipanalo ang laro ng Cleveland Cavaliers kontra Denver Nuggets, 113-103 sa NBA game kahapon.

Kumamada naman ng 25 points si Collin Sexton at at may binasket na 18 points at 13 rebounds si Tristan Thompson para sa Cleveland. Sa naturang panalo, nabigo sa Cavaliers ang target sana ng Denver na manalo sa ikalawang sunod na pagkakataon.

Samantala sa iba pang laro, umiskor si Kyle Kuzma ng season-high 36 points upang pamunuan ang Los Angeles Lakers sa 125-110 road win laban sa Oklahoma City Thunder. Ang panalo ang ika-8 sunod ng Lakers.

Gumaod ang Lakers ng 32 points sa second half pero nakadikit ang Thunder sa 11 puntos sa nalalabing 3 minuto bago bumanat si Kuzma ng back-to-back shots at tuluyan nang nakontrol ang laro. Si Kuzma ay nakagawa ng apat na tres puntos. Sa ikalawang sunod na game, pawang monster games ang nagawa ng Lakers.

Samantala, nakagawa si Zach LaVine ng 25 points at six assists kaya naputol ng Chicago Bulls six-game losing streak nang talunin ang Detroit Pistons 108-99.

Kinumpleto ng Chicago ang pagwalis sa four-game season series sa unang pagkakataon mula noong 2011-12 season.

Na-eject si Detroit center Andre Drummond sa natitirang 10:42 minuto sa third quarter. Umiskor si Chicago rookie Daniel Gafford ng inside basket pero nasipulan pa sa technical nang angasan nito si Drummond, na gumanti naman nang hatawin ng bola sa batok si Gafford.

Si Bulls center Luke Kornet ay may season-high 15 points. Nakagawa si Gafford ng 14 points at seven rebounds bago na-foul sa fourth quarter. Umiskor din si Lauri Markkanen ng 14 points para sa Bulls habang si Tomas Satoransky ay dumagdag ng 10 puntos.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page